“Hindi nakakahiya ang pagiging fashion designer. Hindi nakakahiya maging bakla.”
The power of manifesting worked for Rajo Laurel! Eleven years old pa lang kasi siya, alam niya na raw na magiging isa siyang fashion designer.
Ayon din sa Drag Race Philippines judge, malaking bahagi ng kanyang success ang suporta at pagtanggap ng kanyang pamilya.
Ano pa nga ba ang secret ni Rajo sa kanyang pagiging iconic? Paano nga ba siya nagsimulang gumawa ng pangalan sa fashion industry at maging ang pagtatag ng House of Laurel? Alamin ang lahat ng ‘yan sa isang makabuluhang kuwentuhan.